Umapela ang Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) operator sa Land Transportation Office (LTO) na payagan ang iabng operators na magpadala ng kanilang motor vehicle data kahit na iba ang sistema na ginagamit ng Land Transportation Management System (LTMS).

Ayon kay Autoreach owner Chito Cruz, mas magiging madali kasi ang pag-rollout para sa pinakabagong LTO Motor Vehicle Inspection System (MVIS).

Mas naging madali na rin para sa ibang PMVIC companies na magpadala ng impormasyon tungkol sa mga sasakyan kailangang i-check.

Gumagamit ang naturang kumpanya ng equipment mula sa Germany company na Beissbarth kung saan wala umano silang nakikita na problema tuwing kumokonekta sa system ng LTO dahil ito ang nagsu-supply sa equipment na kailangan ng LTMS.

Subalit may ilang kumpanya pa rin aniya ang nakakaranas ng problema pagdating sa compatibility dahil hindi Beissbarths system at equipment ang kanilang ginagamit.

Ang MVIS ay programa ng LTO at Department of Transportation (DOTr) kung saan layunin nito na gumamit ng mga makina na susuri kung road worthy ang mga pampribado at pampublikong sasakyan.