BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang monitoring ng City Health Services Office sa halos 1,200 na Patients Under Monitoring (PUMs) sa lungsod ng Baguio.

Ayon kay Dr. Donabel Tubera mula sa City Health Services Office, aabot sa 1,490 ang PUMs dito sa lunsod ngunit nakapagtapos na sa 14-day quarantine ang mahigit 200 sa mga ito.

Inihayag niyang sa ngayon ay nagpapatuloy na inoobserbahan ang limang kataong nagkaroon ng personal contact sa isang taga Parañaque na nagtungo dito sa Baguio City at kalaunan ay nagpositibo sa na COVID-19.

Ayon kay Dr. Tubera, apat sa mga ito ang walang sintomas ng COVID habang ang isa ay mayroong mild pneumonia.

Gayunpaman, sinabi niyang maayos na ang kalagayan ng nasabing indibidwal at ito ay sumasailalim na sa quarantine.