Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ang sexy star blogger na si Mocha Uson.

Sa listahan ng presidential appointees na ibinaba ng MalacaƱang ngayong araw, si Uson ay bagong Deputy Executive Director V (Deputy Administrator) ng Overseas Wokers Welfare Administration (OWWA) ng Department of Labor and Employment.

Magugunitang si Uson ay dati na ring nanungkulan sa pamahalaan bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Gayunman, nagbitiw ito sa puwesto noong Oktubre 2018 sa gitna ng mga batikos laban sa kanyang mga social media post na naging dahilan ng pahirapang pagpasa noong nakaraang taon sa budget ng PCOO.

Naging nominee siya ng Kasosyo partylist pero bigong makakuha ng sapat na boto para makaupo sa Kamara.