Reading Time: 1 minute
MMFF

Pinaplantsa na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival executive committee ang pagkakaroon ng dalawang film festival sa isang taon.

Ayon sa MMDA bukod sa regular na Disyembre na film festival ay nais na isagawa ito sa Mayo.

Nagkaroon na sila ng ilang serye ng pagpupulong para sa nasabing plano.

Ang nasabing plano ay iminungkahi ni MMFF Executive Committee member Bong Go.