Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Patay ang isang mister sa San Fernando, Camarines Sur, matapos barilin ang sarili.

Kinilala ang biktima na si Ronelo Piel, 42-anyos.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na naabutan ng pinsan nito ang biktima sa loob ng kanilang bahay na wala nang buhay.

May tama ito ng bala ng baril sa ulo at hawak pa ang cellphone.

Ayon sa pamilya, “lover’s quarrel” o ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng biktima at ng asawa nito na nasa ibang bansa ang isa sa tinitingnang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang ilang basyo ng bala ng baril, magazine na may lamang bala at cellphone.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pangyayari.