Reading Time: 1 minute

Itinakda na bukas, June 25, ang paghahatid sa huling hantungan ni Miss World Philippines 2012 3rd Princess April Love Jordan.

Ang nasabing beauty queen ay tuluyang pumanaw nitong June 21 sa edad lamang na 31 dahil sa liver cancer.

Nakaburol ang kanyang labi sa Heritage Park Memorial Chapels sa Taguig City.

Ang nanalong Miss World Philippines sa batch ng yumaong beauty queen ay si Queneerich Rehman.

Bukod sa Miss World Philippines, sumali na rin siya sa Binibining Pilipinas 2009 kung saan siya ay nakaabot hanggang sa Top 10, Mutya ng Pilipinas 2006 (2nd runner-up), Miss Philippines Earth 2006 (finalist), at International Beauty & Model Festival 2009 (winner).

Si April ay nagtapos ng Tourism, Hotel and Travel Industry Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.