“All smiles” ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa katatapos na National Costume Show ng 69th Miss Universe sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida.

Miss U national costume Philippines
(c) Miss U Twitter photo

Alas-8:00 ngayong umaga Manila time at gabi naman doon sa Florida nang magsimula ang nasabing event.

Batay sa impormasyon, hiwalay na bahagi ito ng pre-pageant activity ng Miss Universe kung saan hindi umano kasama sa overall scores ng nasa 74 candidates.

Sinasabing “moment” lamang ito ng mga kandidata para parangalan ang kani-kanilang mga bansa.

At tulad nga ng “clue” na ibinigay ng 24-year-old half Indian beauty na tubong Iloilo, literal na “sexy, very unique but heavy” at nagpakita rin siya ng “some, (but) not too much skin” sa kanyang national costume. Hango sa bandila ng Pilipinas at gawa ng yumaong designer na si Rocky Gathercole.

Sa ngayon ay usap-usapan na hindi rin nito naisuot ang binansagan na “missing masterpiece” na dinala pa mismo ni Miss Universe Philippines national diector Shamcey Supsup nang makarating sa Florida nitong Martes.

Ang naturang “missing piece” sa national costume ay gawa ng crown /jewelry maker na si Manny Halasan.