Ipinagpaliban ang Miss Multinational 2020 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus 2019 o COVID-19.

Ayons a organizer, ililipat na lamang ang nasabing pageant sa darating na Mayo.

Unang itinakda kasi ang nasabing pageant sa Abril 15-22 at ito ay gagawin sa Mayo 20-30 sa India.

Magiging pambato ng bansa ay si Isabelle de Leon kung saan sa kaniyang social media post, sinabi nito na handang-handa na siya sa pageant.

Unang Filipina na nagwagi sa pageant ay si Sophia Senoron noong 2017.

Nauna rito kinansela na rin ang Miss Eco International 2020 mula sa dating Abril 11 ay inilipat na ito sa Mayo 26 hanggang Hunyo 12.