LA UNION – Halos tumigil ang mundo ni ginang Claire Apilado Morales matapos nitong matanggap ang balita na wala ang asawa nito na namatay dahil sa Covid 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay ginang Morales, sinabi nito na ang hirap para sa kanya na tanggapin na wala na ito.

Gayunman mas pinipili nito na alalahanin ang mga masasayang araw nilang magkasama ng yumaong asawa.

Samantala, inilarawan naman nito ang asawa na good provider sa pamilya at maraming pangarap para sa kanila lalo na sa kanilang anak.

Ayon pa kay Morales na wala ng sasakit pa na hindi mo man lang makasama sa huling sandali ang ang namatay na asawa dahil sa pandemic.

Pinasalamatan naman nito ang namatay na asawa sa lahat ng bagay lalo na ang pagiging asawa at ama.

Sa ngayon, wala pang impormasyon ang pamilya kung nailibing na si Vladimir Morales sa bansang Riyadh, Saudi Arabia matapos mamatay dahil sa Covid 19.