TACLOBAN CITY — Patay ang isang 16 anyos na bata matapos itong makuryente habang nangunguha ng bunga ng mangga sa Maydolong, Eastern Samar.

Ang biktima ay pinangalanang si alyas ‘Janjan’, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Police Major Aldo Mendiola, hepe ng Maydolong Police Station, lumalabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na nagpresenta daw ang bata nga umakayat sa puno para manguha sana ng mangga ng aksidente nitong nasagi isang live wire kaya’t nakuryente ito.

Dinala pa sa ospital ang menor de edad na biktima pero dineklara agad itong dead on arrival.