Cebu City
-- Advertisements --

STAR CEBU – Nakapagtala ng 3 panibagong kaso ng coronavirus disease(COVID-19) ang bayan ng Minglanilla nitong Linggo.

Sa FB post ng LGU Minglanilla, isang 53 anyos na babaeng frontliner na residente ng nasabing bayan at nagtatrabaho sa isang Brgy. Health Center sa lungsod ng Cebu ang isa sa mga nagpositibo.

Habang, positibo rin ang 30 anyos na manugang nito.

Isinailalim na sa home isolation ang dalawa sa ngayon.

Nagtatrabaho naman sa isang ospital nitong lungsod ang pangatlong kaso na isang 27 anyos na babae.

-- Advertisement --

Naka-home quarantine din ang asymptomatic na pasyente mula pa noong Mayo 28 at nakatakdang i-swab test sa Hunyo 14.

Nagsagawa na rin ng contact tracing ang Minglanilla LGU sa mga may direktang contact sa mga nabanggit na nagpositibo.

Nanawagan pa ang lokal na pamahalaan na maging maingat at sundin ang mga health protocols upang hindi na madagdagan pa ang mga nagpositibo sa bayan.

Sa kabuuan, umabot na sa 50 ang kumpirmadong nagpositibo sa nasabing lugar.