Inanunsyo ng ilang regulators ang paglulunsad ng pormal na imbestigasyon kung may nilabag na batas ang ilang energy utilities dahil sa pagbabawas umano nito ng supply ng kuryente sa tinatayang 2.5 million katao matapos ang lumalalang wildfire sa California.

Sumasailalim na sa ngayon ang Pacific Gas & Electric (PG&E) company matapos nitong bawasan din ang supply ng kuryente sa halos 970,000 kabahayan at negosyo.

Kinumpirma rin ng kumpanya na magdadagdag pa sila ng 650,000 properties na makararanas ng precautionary shut-offs.

Libo-libong kabahayan naman sa Brentwood, Los Angeles ang sinabihan nang lisanin ang kani-kanilang mga kabahayan dahil sa posibilidad ng pagtama umano ng wildfire na nagsimula pa kahapon.