CENTRAL MINDANAO- Bukas ang pamunuan ng 602nd Infantry (Liberator) Brigade Philippine Army sa mga rebeldeng grupo sa North Cotabato na nag-nanais sumuko sa pamahalaan.

Ito ang kinumpirma ni 602nd Brigade Defuty Commander Colonel Donald Gumiran.

Nanawagan ang militar sa mga lider at mga miyembro ng mga rebeldeng grupo na kumikilos sa bahagi ng Central Mindanao na bumaba sa bundok at magbalik loob sa gobyerno.

Ang mga armas na isusuko ng mga rebelde ay babayaran ng pamahalaan at makabenepisyo pa sila sa livelihood assistance sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Dagdag ni Gumiran sa mga gustong magbalik loob sa gobyerno ay maaring lumapit sa kani-kanilang mga Barangay official, sa LGU, maari ring sa pulis o militar upang tuluyang makabalik na sa mainstream society at makapamuhay muli ng normal na malayo sa takot at pangamba.

Maraming mga New Peoples Army (NPA) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa North Cotabato at Maguindanao ang sumuko sa militar.