Miley Cyrus
Miley Cyrus/ IG post

Umatras na si Miley Cyrus na makibahagi sa ika-50th anniversary ng Woodstock music festival.

Hindi na nito nilinaw pa ng singer ang kaniyang dahilan ng kaniyang pag-atras sa nasabing music festival na gaganapin sa Agosto 16-18.

Ilang mga singer at artist na umatras na ay ang rapper na si Jay-Z, dating Creedence Clearwater Revival frontman John Fogerty , Dead and Company, Carlos Santana, bandang Lumineers at Raconteurs.

Woodstock 2019
Woodstock 2019

Bumaba na rin ang bumili ng tickets na mula sa inaasahan 100,000 na audience ang inaasahan ay naging 30,000 na lamang.

Nagkaroon rin ng problema ang organizers ng kanilang venue dahi gaganapin na ito sa Columbia ampiteather sa Maryland.

Ito na ang pangatlong venue na ang orihinal na plano ay sa Glen motor racing venue sa New York at inilipat ito sa Vernon, New York hanggang sa napagdesisyunan sa pangatlong venue ito sa Merriweather Post Pavilion sa Maryland.