Reading Time: 1 minute

Nagsalita na si Miley Cyrus matapos ang isyung hiwalayan nila ng asawang si Liam Hemsworth.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi nito na mayroon ng kapayapaan at pag-asa ang kaniyang puso ngayon.

Magugunitang inanunsiyo ng dalawa na sila ay hiwalay na matapos ang walong buwan lamang mula noong sila ay ikinasal.

Maraming malapit na kaibigan ng dalawa ang nagsabi na sa walong buwang pagsasama ay nagkakaroon daw sila ng hindi pagkakaintindihan.

Pinilit daw nilang ayusin ang nasabing pagsasama hanggang sa kapwa na sila sumuko.