Miley Cyrus
Miley Cyrus/ IG post

Galit na sinagot ni Miley Cyrus ang bumatikos sa kaniya matapos na ito ay tinangkang halikan ng isang fan.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ng singer na hindi siya basta mahihila ng basta-basta.

Reaksyon ito ng dating Disney star sa batikos ng isang social media users na dahil sa kaniyang kasuotan ay kaya siya biglang hinila at tinangkang halikan.

Naganap ang insidente habang kasama nito ang asawang si Liam Hemsworth kung saan habang hinihintay ang sasakyan ay bigla na lamang itong tinangkang halikan ng isang lalaki.