Mike Tyson
Mike Tyson/ IG post

Hindi ikinaila ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson na siya ay gumagamit ng marijuana.

Sinabi nito na gumagastos ito ng $40,000 (mahigit P2-M) kada buwan.

Ayon pa sa 53-anyos na boksingero, mula ng ipasa ang paggamit ng recreational. marijuana sa California noong 2018 ay binuksan nito ang Tyson Ranch na nagbebenta ng mga marijuana plants.

Plano din nito ang pagpapatayo ng resort at hotel sa nasabing rantso.