Labis ang pagdadalamhati ngayon ni Michael V. sa pagpanaw ng kaniyang ama.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ng komedyante ang malungkot na pagpanaw ng amang si Cesar Felix Bunagan nitong Lunes.

Nagbahagi ito ng larawan ng magkahawak kamay ng kaniyang ama at may caption na isang dasal.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa showbiz gaya nina Ogie Alcasid, Ryan Agoncillo, Dingdong Avanzado at iba pa.

Magugunitang noong Oktubre 5 ng humingi ng pagdarasal para sa kaniyang ama na nakaratay sa ospital dahil sa sakit.