MICHAEL JORDAN

Agaw atensiyon ang naging talumpati ng basketball legend na si Michael Jordan sa memorial service para sa pumanaw na si Kobe Bryant na ginanap sa Staples Center sa Los Angeles.

Hindi napigilan ni Jordan na umiyak at tumulo ang luha habang inaalala ang mga nakaraan na pagkakaibagan nila na tinawag niyang “little brother” si Bryant.

Kaya naman maging siya ay nais niyang maging best brother kay Bryant.

“As I got to know him, I wanted to be the best big brother that I could be.”

Naikuwento rin ng Michael kung gaano sila kalapit sa isa’t isa, tulad ng maraming napagkukwentuhan sa buhay, sa laro at sa iba pang mga bagay.

“What he accomplished as a basketball player, as a businessman, as a storyteller and as a father,” ani Jordan. “Kobe left nothing in the tank, he left it all on the floor.”

Nagbiro naman ito na dahil sa kanyang pag-iyak baka maulit na naman ang pagkantiyaw sa kanya noon ng ilang netizens na ginawan siya ng iba-ibang memes.

“Now I’ll have to look at another crying meme.”

MICHAEL JORDAN 2

Samantala ang iba pang mga speakers at performers sa tribute kay Kobe ay ang misis nita na si Vanessa Bryant, Beyonce, Shaquille O’Neal, Diana Taurasi, Jimmy Kimmel at Alicia Keys.

Dumalo naman sa okasyon ang ilang mga VIPs, mga basketball at showbiz stars.