-- Advertisements --
Binigyang-diin ni National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr. na walang dapat ikatakot ang mga mamamayang sumusunod sa batas sa Anti-Terrorism Act.
Sinabi ni Sec. Esperon, ang ang Anti-Terrorism Act ay para sa kapakanan at seguridad ng publiko at para labanan ang terorismo.
Ayon kay Sec. Esperon, dapat binasa nila ng buo ang batas lalo ang mga probisyon para sa proteksyon ng civil at political rights ng mga mamamayan.
Pero karapatan naman daw ng sino man na kwestiyonin ito sa Korte Suprema at hindi sila pipigilan.
Magugunitang balak ng ilang miyembro ng oposisyon sa Senado na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para kwestiyonin ang constitutionality ng batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.