Bagamat tinanggalan na ng mga prebelehiyo, siniguro pa rin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na dadaan sa due process ang mga tauhan nilang sangkot sa “pastillas” modus.

Sa ngayon, inilagay na rin sa administrative holding office ang naturang mga immigration personnel.

-- Advertisement --

Tiniyak din ni Morente na makikipagtulungan sila sa ano mang imbestigasyon at sa gagawing lifestyle check sa kanilang hanay.

Una na ring inihayag ni Morente na bukas ang kanyang liderato sa paglilinis sa BI dahil na rin sa nabunyag na “pastillas modus.”

Dagdag ni Morente, dapat ding magsilbi itong babala sa immigration personnel na gumawa ng katiwalian.