Supreme Court Justices
SC justices during flag raising ceremony

Nagpalipas ng magdamag ang mga supporters ni Vice President Leni Robredo at dating Senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. malapit sa Supreme Court.

Nagtayo ng mga tent at inukupahan ng mga supporters ng magkabilang panig ang kahabaan ng Taft Avenue at kanto ng Maria Orosa Street Maynila.

Sarado pa rin sa mga motorista ang lugar na binabantayan ng mga kapulisan din.

Inaasahan kasi na ilalabas ang desisyon ng Korte Suprema sa Presidential Electoral Tribunal sa election protest ni Marcos sa pagwagi ni Robredo.