OLIVIA
Olivia Newton JOHN

Naibenta sa auction sa halagang $405,700 o mahigit P21-M ang halaga ng black leather jacket at skin-tight trousers na suot ni Olivia Newton-John suot nito sa finale ng pelikulang “Grease”.

Ayon sa actress na gagamitin nito ang malilikom na pera sa kaniyang cancer treatment center sa Australia.

Kasama rin na nabili sa auction ang original script ng pelikula at iba pa na ginamit sa pelikula na pumalo lahat sa kabuuang $2.4 million o P124-M

Hindi naman na ipinakilala sa publiko ng Julien’s Auctions sa New York ang mga nakabili ng nasabing naisubastang gamit.