Reading Time: 1 minute
duterte speech podium
Duterte

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na huwag basta sumuko sa mga Abu Sayyaf Group kapag nagkakagipitan na sa giyera.

Sa kaniyang talumpati sa 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp General Lukban sa Catbalogan, Samar, na tiyak na sila ay pupugutan ng mga teroristang grupo kapag sila ay nagpabihag.

Hinikayat niya ang mga ito na dapat huwag pairalin ang awa sa paglaban sa mga Abu Sayyaf group dahil ayaw niya na may mga nangyayaring mga sundalong napupugutan ng ulo.

Tiniyak din ng pangulol na patuloy ang gagawin niyang pag-upgrade sa mga armas ng mga sundalo.