Hinikayat ni Sen. Pia Cayetano ang Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag nang isali ang mga siklita at joggers sa pagsusuot ng face shields dahil posible raw itong magdulong ng aksidente sa mga nasabing indibidwal.

Ginawa ni Cayetano ang naturang apela isang linggo matapos ianunsyo ng pamahalaan na gagawin nitong mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Bilang dating national athlete at triathlete , ay batid umano ng senador ang posibleng dulot nito sa kaniyang mga kapwa siklista.

Maaari raw kasi silang mahirapan na makita ang kalsada na posibleng magdulot pa ng kapahamakan sa mga ito.

Una nang kinuwestyon ng mga health experts ang patakaran ng pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar dahil mahihirapan ang publiko na makahinga.

Sinabi ni infectious disease expert Benjamin Co, kahit pa raw magsuot ng face mask at face shield ay hindi pa rin ito garantiya na makakaligtas ang taumbayan mula sa deadly virus.