Magsasama-sama ang mga sikat singers sa Amerika para sa gagawin nilang auction sales.

Gaganapin ang MusiCares Relief Fund Auctions sa Setyembre 9 sa Beverly Hills, California.

Ang malilikom na pera sa nasabing aktibidad ay para matulungan ang mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ilan sa mga nagpahiwatig na sasali ay ang founding member ng bandang Rolling Stone na si Bill Wyman.

Ibebenta nito sa nasabing auction ang custom Mesa/ Boogie bass amplifier rig na kanilang ginamit noong 1989 US tour.

Inaasahan nito na mabibili ang nasbing amplifier mula $200,000 hanggang $2 million.

Nagdonate na rin ng kanilang gamit sina Cher, Billie Eilish, Barbara Streisand, Depeche Mode, Ozzy at Sharon Osbourne, Blake Shelton, Hans Zimmer at maraming iba pa.

Habang nagpahiwatig naman ang lead singer ng Led Zeppelin na si Robert Plant na posibleng ibenta rin sa auction ang gitara nito na ginagamit ng 55 taon.