-- Advertisements --

Makatatanggap ng cash o food packs ang mga sanggol at mga nanay na maselan ang pagbubuntis ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Inianunsyo ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isang resolusyon para rito kaninang umaga.

Sinabi ni Sec. Roque, sa ilalim ng tinatawag na dietary supplementation program, tatanggap ng cash o food packs ang mga sanggol na may edad anim na buwan hanggang 23 buwan at mga tinatawag na nutritionally at risk pregnant women.

Ayon kay Sec. Roque, bahagi ito ng pagpapahusay sa healthcare ng mga Pilipino at isang paraan na rin para mabawasan ang insidente ng gutom sa bansa na pinalala pa ng COVID-19 pandemic.

Hindi naman nasabi pa ni Sec. Roque kung magkano ang halaga ng cash ang ibibigay sa mga nanay at mga sanggol.