Ilomavis 4
bakwit

CENTRAL MINDANAO – Lumikas ang maraming pamilya sa Sitio Sabayan, Brgy Ilomavis, Kidapawan City dahil sa malalakas na aftershock ng lindol dakong alas-8:46 nitong Biyernes ng gabi.

Sa takot na madaganan ng pagguho ng lupa at pagbagsak ng kani-kanilang mga bahay na dati nang nagkabitak-bitak sa lindol ay lumikas ang mga residente ng Sitio Sabayan.

Pansamantalang natulog ang daang-daang pamilya sa basketball covered court sa Brgy Ilomavis.

Ang brgy Ilomavis ay nasa paanan ng Mount Apo at matarik na lugar kaya maraming bahay ang nasira at nagka-landslide nang yumanig ang 6.3 magnitue na lindol.

Habang nananatili naman sa City Gym ang mga pasyente ng dalawang pagamutan sa Kidapawan City dahil hindi pa ligtas na bumalik sa kanilang gusali na may mga bitak sa pader.

Namahagi naman ng tulong si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa mga pamilya na lumikas sa lindol.