KORONADAL CITY – Ilang residente nag pa-panic buying na matapos madagdagan ang nagpositibo sa COVID 19 sa Sydney, Australia.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bombo International Correspondent Remelyn Cantor, tubong Koronadal City at halos 2 taon ng namamalagi sa Australia, pinahayag nito na galing sa 9 na nagpositibo sa virus ay umakyat na ito sa 13.

Aniya, halos sa mga pamilihan roon ay wala na ring laman dahil sa naitalang panic buying.

Ibinahagi rin nito na isang 53 anyos na doktor ang nagpositibo sa nasabing sakit kung saan hinahanap na rin ng ilang health authorities ang ilang pasyente na nakasalamuha ng doktor.

Dagdag nito, na halos sa mga public gatherings ng nasabing bansa ay kinansela rin at ipinagbabawal na rin raw muna sa kanila ang makipag handshake sa ibang tao.

Sa ngayon, precautionary measure raw ang kanilang ginagawa katulad na lamang na magpa iwan na malusog ang katawan, palaging pag gamit ng sanitizer at pagsusu-ot ng facemask para hindi mahawa sa nasabing sakit.