davao police
-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hindi nagdalawang isip ang mga pulis na miyembro ng R-PSB Cluster 5 na nadestino sa Calinan at Baguio district nitong lungsod matapos na tumulong ang mga ito sa pagpapaanak ng isang buntis.

Sinasabing nahirapan na makapunta sa hospital ang buntis dahilan na tumawag na lamang ang kapitan ng Barangay Cawayan na si Frederick Villarino sa pulisya.

Ngunit sinabi ng buntis na hindi na niya kaya pang bumiyahe dahilan na mga miyembro na lamang ng PNP ang tumulong para mapaanak ito.

Sinasabing ang kumadrona na lang ang pumutol sa pusod ng bata.

Ayon pa sa team leader ng PNP na si PLT Rizalito Clapiz III na hindi nakapaghanda si Rachel Gumaling at ang kaniyang asawa dahil sinabi umano ng kanilang OB na Abril 18 o 28 pa ito manganganak.

-- Advertisement --

Matagumpay naman nitong naisilang ang sanggol at binigyan ng mga pulis ng diaper at vitamins.

Na-check up na rin ng mga Barangay Health Worker ang kondisyon ng bata at nasa maayos umano ang kalagayan nito.