BANAC
BGen Banac

Ikinalungkot ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang insidente sa Jolo,Sulu kahapon na kinasangkutan ng mga pulis at sundalo.


Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, base sa report na nakilang nakuha, itinuturing nilang mis-ecnounter ang nangyaring pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo.

Sinabi ni Banac na sinisiguro ng PNP ang kanilang full coordination at suporta sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Napagkasunduan na kasi ng AFP at PNP sa Western Mindanao na NBI ang mag-iimbestiga sa insidente habang ang CIDG ay magbibigay lamang ng suporta sa NBI.

Sinabi ni Banac, nadis-armahan na ang mga pulis, at isinailalim na ang mga ito sa restrictive custody para maging available sa gagawing imbestigasyon.

Hindi naman masabi ni Banac kung ilang pulis ang sangkot at kung sinu-sino ang bumaril sa mga sundalo.

Dagdag pa ni Banac, ang insidente sa Sulu ay isang malaking lesson para sa PNP organization, at gagawa sila ng mga hakbang para hindi na maulit pa ang insidente.

Siniguro ng PNP na palalakasin pa nila ang kanilang koordinasyon sa AFP para maiwasan ang kahalintulad na insidente.