Kinumpirma ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na may mga nawawala o may mga unaccounted pang mga pulis sa gulo sa Marawi City.

Inanunsiyo ito ni Dela Rosa ng magtungo ito kanina sa Marawi City kung saan hinarap at kinausap ang kaniyang mga tauhan.

Sinabi ng PNP chief na hindi pa nila alam ngayon kung ano ang sitwasyon ng mga local police na idineploy sa pinaka bayan ng Marawi City dahil nawalan daw kasi sila ng komunikasyon sa mga ito.

Sa ngayon hindi pa nila matukoy kung na-hostage o nagtatago lang ang mga ito sa Marawi City habang patuloy ang clearing operations sa lugar.

Aniya, sa ngayon na prayoridad nila na alamin ang estado ng mga unaccounted ng mga nasabing pulis bukod sa mga ilang kagamitan ng mga pulis na nakuha ng mga teroristang Maute.

-- Advertisement --

Batay sa datos ng PNP tatlong pulis ang nasawi sa labanan sa Marawi habang tatlo ang sugatan.