-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec)-Albay sa mga politiko na huwag nang hintayin pa ang October 8 o huling filing ng certificate of candidacy (CoC).

Ayon kay Comelec Albay Election Supervisor Atty. Maria Aurea Bo-bunao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, maraming mga politiko ang naniniwala sa mga pamahiin at swerte tuwing panahon ng halalan.

Subalit ayon sa opisyal, kung talagang nais silang iboto ng mga botante ay mananalo sila kahit anong araw pa maghain ng kandidatura.

Aniya, dapat na ang mga opisyal ang papamarisan ng publiko kaya hindi na dapat gumaya sa mga registrants na karaniwang sa huling araw ng registration nagpaparehistro.

Sa unang araw kasi ng filing ng CoC sa lalawigan ng Albay ay iilan pa lamang ang pormal na naghain ng CoC habang may ibang bayan naman na wara pang nagtutungo sa Comelec offices.

Tanging sina Albay representatives Joey Sarte Salceda at Edcel Lagman pa lamang ang naghain ng CoC kahapon sa unang araw ng filing.