Tatalakayin ngayon ng Foreign Relations Committee sa Senado ang mga planong ikinokonsidera ng Pilipinas para pansamantalang pagpapatuloy sa mga Afghan sa bansa habang hinihintay ang kanilang resettlement sa Estados Unidos.
Ito ay matapos na makatanggap ng request ang pamahalaan mula sa Estados Unidos na humihiling sa Pilipinas na pansamantala muna nitong kupkupin ang mga Afghan.
Ayon kay Philippines Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, sa ilalim ng naturang panukala ay bibigyan ng special immigration visa ang mga Afghan na nagtrabaho sa US government na ipoproseso naman sa pasilidad ng Pilipinas.
Ang gaganaping pagdinig ngayon sa Senado ukol dito ay tatalakay sa mga “proposed temporary housing” na ibibigay ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga Afghan applicants.
Ngunit ang planong ito ay tinanggihan ng Philippine Foreign Ministry.
Habang tumanggi naman si United States embassy in Manila ambassador MaryKay Carlson na magbigay ng komento hinggil sa nagpapatuloy na diplomatic discussions na ito ng Pilipinas at Amerika.