Naglatag na ang Regional Peace and Order Council (RPOC) at iba pang concerned agencies ng pamhalaan ng iba’t ibang plano upang matiyak ang mapayapa at ligtas na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Ayon kay Regional Peace and Order Council (RPOC) Chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora, sa huling pagpupulong ng konseho napag-usapan ang paglalatag ng checkpoints , gun ban at ang pagpapatupad din ng liquor ban sa mga susunod na araw bago ang mismong halalan.
Natalakay din ang pagtugon sa isyu ng bownout upang maiwasan sa araw ng halalan kung kayat nakipag-ugnayan na aniya sila sa Meralco upang siguraduhing mayroong sapat na kuryente sa mga paaralan na magsisilbing polling precinct sa lokal na halalan.
Ayon pa kay Zamora na siya ring tumatayong Metro Manila Council president na ayaw nilang magkaroon ng anumang problem kaugnay sa kapayapaan at kaayusan ng BSKE at sa panahon ng pangangampaniya na nagsimula na kahapon at magtatagal hanggang Oktubre 28.
Samantala, iniulat naman ng alkalde na walang nangyaring aberya sa unang araw ng pangangampaniya para sa BSKE at umaasahang magtutuloy pa ito hanggang ito’y magtapos.
Tumalima din aniya ang ilang kandidato habang ang mga hindi naman compliant ay inisyuhan na ng show cause order para magpaliwanag sa Comelec.
Nanawagan naman ang opisyal sa mga kandidato ng BSKE na sumunod sa mga panuntunan at regulasyon ng poll body at iginiit na ang mga tumatakbong kandidato para sa mga barangay position ay dapat na ipakita na sila ay sumusunod sa mga patakaran.