-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinapawagan na ng Philippine Embassy sa Thailand ang mga Pilipinong apektado sa girian ngayon sa pagitan ng Thai at Cambodian militaries sa kanilang border, na lumikas na sa kabila ng ipinapatupad na ceasefire lalo na’t nilabag umano ito ng Cambodian military.

Ayon kay Bombo international news correspondent to Thailand Bien Balasa, normal lang ang kanilang pang-araw-araw na kabuhayan sa capital Bangkok dahil sobrang layo nila sa probinsyang apektado ng kaguluhan, na sa simula ay nagbigay umano sa kanila ng kaba.

Ang kanila lamang ginawa ngayon ay ang pag-iwas na may papanigan sila lalo na’t dayuhan sila sa naturang bansa at nagtatrabaho lamang.

Hindi rin umano nagpapabaya sa kanila ang Philippine Embassy na patuloy ang pakikipag-ugnayan sa kanila lalo na sa kanilang group chat upang matiyak ang kanilang kaligtasan.