Pumalo na sa 6,141 ang mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sa nasabing bilang ay mayroong 496 ang nasawi habang 2,783 naman ang kasalukuyang ginagamot.

Umaabot naman sa 2,862 ang mga Filipino na nasa ibang bansa ang gumaling.

Nasa 53 bansa naman ang naitala ng DFA kung saan nagpositibo ang mga Filipino sa nasabing virus.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa mga apektadong bansa.