-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga pagamutan na malapit ng mapuno sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

May ilang private rooms sa mga pagamutan na pinahahatian na ng dalawa hanggang tatlong mga pasyente.

Ayon sa pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) at St. Luke’s Medical Center na nagkakaubusan na ang mga beds ng COVID at non-COVID patients.

Maging ang Lung Center of the Philippines ay nasa kritikal na rin ang kalagayan.

Sinabi ni PGH spokesman Jonas del Rosario na sa 200 na beds sa kanilang pagamutan ay 170 na dito ang okupado na.

-- Advertisement --

Maging ang kanilang intensive care unit (ICU) wards ay puno na rin.

Kinumpirma rin ni St. Lukes Medical Center chief medical officer Dr. Benjamin Campomanes na puno na ang kanilang ospital sa Quezon City at sa Global City.

Hinikayat nito ang mga iba na magtungo na lamang sa ibang mga pagamutan.