PLTGEN ARCHIE FRANCISCO GAMBOA
PNP OIC chief Lt. Gen. Archie Gamboa

Pina-alalahanan ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Gamboa ang mga pulis na overweight na magbawas na ng timbang.

Ayon kay Gamboa may mga “sanctions” para sa mga pulis na hindi maka-comply sa tamang Body mass index (BMI).

-- Advertisement --

Ang mga pulis na wala aniya sa tamang timbang ay hindi papayagan na makapag-schooling, na requirement para sa promotion.

Sinabi ni Gamboa walang exempted sa mga pulis mula sa kaniya hanggang sa pinaka mababang pulis ay kailangang nasa maayos na pangangatawan.

Hindi lamang aniya ito para sa imahen ng PNP kundi para na rin sa sariling kabutihan ng mga pulis.

Sinabi ni Gamboa, lalagdaan na niya ang direktiba para sa implementasyon nito.

Inihalimbawa pa ni Gamboa ang kaniyang sarili na overweight din para sa kaniyang edad.

Kaya gagawa din siya ng paraan para makuha ang ideal body mass index.