japan floods hagibis
Floods in Japan due to typhoon Hagibis (photo from Twitter posts)

ILOILO CITY – Umakyat na sa mahigit 30 ang patay at 17 ang missing sa paghagupit ng typhoon Hagibis sa Japan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo international correspondent Josel Palma direkta sa Japan, iniulat nito ang pangamba ng mga otoridad na maaari pang madagdagan ang bilang ng casualty dahil sa malalang pagbaha sa mga lungsod sa prefectures ng Nagano, Niigata, Miyagi, Fukushima, Ibaraki, Kanagawa at Saitama.

Ayon kay Palma, ilan sa mga namatay ay nahulog mula sa helicopter na nagre-rescue.

May lima ring narekord na nasawi nang lumubog ang Panamanian cargo ship sa Tokyo Bay.

Tinatayang nasa 376,000 na kabahayan naman ang wala pa ring suplay ng koryente at nasa 14,000 kabahayan ang walang tubig na maiinom.

Nagpaabot naman nga pakikidalamhati si Prime Minister Abe Shinzo sa pamilya ng mga biktima.

Matandaan na noong Sabado nang land-fall ang bagyo Hagibis sa Honshu Island na itinuring na pinakamalakas na bagyo na humagupit sa Japan mula noong taong 1958.

Nagpapatuloy pa rin ang rescue operation sa mga apektado ng pananalasa ng bagyo.

japan hagibis 1