HOSPITAL BED
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Wala nang natitirang COVID-19 beds sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na maliban sa puno na ang mga COVID-19 beds, daan daan naman ang mga nasa waiting list na mga pasyente na nahawaan ng virus na nais ma-admit sa ospital.

Ayon kay Treñas, problema rin ngayon sa lungsod ang mababang supply ng oxygen tanks.

Nakipag-ugnayan na rin anya ang alkalde sa supplier ng oxygen tanks sa Cebu at tiniyak na kung kukulangin, kukuha sila ng supply sa Luzon.