-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni dating police chef Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang ilang miyembro ng militar, pulis at government officials na sangkot umano sa red-tagging.

Sa pagdinig ng Senado ngayong araw, sinabi ng senador na nais lamang ng mga ito na protektahan ang mamamayang Pilipino mula sa mga rebelde.

May kaugnayan ito sa alegasyon ng red-tagging na ipinupukol laban kina Armed Forces of the Philippines Sputhern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., Presidential Communications Usec. Lorraine Badoy at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) director general Alex Paul Monteagudo.

Naniniwala umano si Dela Rosa na layunin lamang ng mga nabanggit na personalidad ay ang protektahan ang publiko mula sa ginagawang recruitment ng teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front.

Ayon sa senador, hindi maikakala na patuloy ang pagpapakalat ng mga teroristang grupo ng karahasan sa iba’t ibang ;ugar sa bansa sa gitna ng coronavirus pandemic.

Pinayuhan din ng senador ang mga personalidad na inirereklamo ng red-tagging ang mga otoridad. Aniya mas dapat nilang ireklamo ang CPP founder na si Jose Maria Sison na siyang una raw na idinawit sila sa red-tagging.

Sa kabila nito ay umaasa pa rin si Dela Rosa na mareresolba ang naturang isyu sa pagitan ng mga law enforcers at left-leaning organization matapos ang imbestigayon ng Senado.