taipei taiwan

KORONADAL CITY – Labis na ikinagalak ng mga OFWs sa Taiwan ang pagtanggal ng travel ban sa naturang lugar.

Ito’y matapos inanunsyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na kaagad ipatupad ang naturang utos.

Ayon kay Mary Grace Lamata, isang OFW sa Taiwan, labis ang saya ng ating mga kababayan dahil makakabyahe na sila papunta at mula sa naturang estado.

Inihayag nitong malaki ang naidulot na impact sa mga Filipino ang naturang travel ban at kawalan umano ng Pilipinas ang pagpapatupad nito.

Pinupuri kasi ng mga Taiwanese employers ang mga kababayan natin dahil mas masipag umano kumpara sa ibang mga lahi.

-- Advertisement --

Samantala, minultahan naman ng Taiwanese government ang negosyanteng bumalik sa Taiwan mula sa Wuhan, China.

Ayon kay Lamata, 300,000 Taiwan dollar o mahigit P500,000 ang ipinataw sa sinasabing carrier ng coronavirus kung saan hindi ito nagpa-check-up at sadyang kinakalat ang sakit.

Nabatid na 18 ang naitalang kaso sa naturang lugar kung saan isa naman ang gumaling sa COVID-19.