CAUAYAN CITY- Nangangamba ang mga Overseas Filipino Workers o OFW sa naturang bansa dahil sa nangyayaring tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukriane
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Alma Arcilla, Pangulo ng Filipino Community sa Russia na nangangamba rin ang mga OFW sa kanilang seguridad pangunahin na sa kanilang mga biyahe.
Sa ngayon anya ay hindi nila alam kung ano ang mga mangyayari sa mga susunod na araw .
Inihayag ni Arcilla na mayroon mga OFW na nagtatrabaho sa minahan na delikado sa kapag nagkaroon ng kaguluhan.
Sa ngayon anya ay nakikipag-ugnayan sila sa mga Pilipino sa Russia na karamihan sa kanila ay nagpahayag ng takot.
Kapag nagkaroon anya ng kaguluhan ay pinayuhan nila ang mga Pilipinong nakatira malapit sa Ukraine na kinabibilangan ng Crimea at Rostov na lumipat sa Moscow,
Naniniwala si Arcilla na hindi sasalakayin ng Russia ang Ukraine dahil nais ni Russian President Vladimir Putin na resolbahin ang kanilang girian sa Ukraine sa pamamagitan ng Diplomasyang pamamaraan.
Ngunit kung hindi anya maaayos ng diplomasyang pamamaraan ay maaring sumiklab ang kaguluhan.