ILOILO CITY – Mananatili sa dati ang presyo ng mga pangunahing binilihin para sa Todos los Santos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Valen Estember, nagtitinda ng asukal sa Iloilo Central Market, sinabi nito na umaabot sa P50 hanggang P60 kada kilo ang muscovado.

Ang giniling na malagkit ay umaabot sa P80 ang kilo habang ang malagkit na bigas naman ay umaabot sa P60 kada kilo.

Umaabot naman sa P140 ang kilo ng buko, P40 naman ang kilo ng gata habang P30 ang bawat bigkis ng dahon ng niyog na ginagawang pambalot sa ibos.

Ang kandila naman ay mabibili sa P40 hanggang P80 depende sa laki nito, ang bulaklak naman ay mabibili sa P20-P50 kada bigkis depende sa klase at ang flower arrangement naman ang mabibili sa P250 hanggang P1,000.