Tumaas naman ang unemployment rate sa bansa hanggang 17.7 percent o katumbas ng 7.3 million na mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Partikular na tinukoy ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang nakuhang data para sa buwan ng Abril ngayong taong 2020.

Ayon kay national statistician at National Economic and Development Authority (NEDA) Usec. Dennis Mapa, ito na ang record high mula sa kanilang recent employment record.

Noong Enero aniya ay 5.3 percent lamang ang naitala, habang hindi pa ramdam ang epekto ng pandemic.

Habang sa kaparehong panahon naman noong 2019 ay 5.1 percent lamang ang mga walang trabaho.

“Unemployment rate rose to 17.7 percent accounting to 7.3 million unemployed Filipinos in the labor force in April 2020. This is a record high in the unemployment rate reflecting the effects of Corona virus disease 2019 (COVID-19) economic shutdown to the Philippine labor market. Unemployment rate in January 2020 was 5.3 percent while in April 2019, it was recorded at 5.1 percent,” saad ng ulat ni Mapa sa online press conference.