Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III sa panayam ng Bombo Radyo na kanilang mahigpit na imo-monitor ang naging epekto ng Sinovac vaccine na kanilang natanggap.

Matatandaang anim na tinurukan kahapon ang nakaranas umano ng pagkahilo at dinala emergency room.

-- Advertisement --

Pero sa pananaw ni Duque, ‘mild effect’ lamang ito at hindi dapat na ikaalarma.

Normal lang aniya na magkaroon ng kaunting pananakit sa bahagi ng nabakunahan, bahagyang pagkahilo at ang iba ay may pamumula.

Pero ganito rin umano ang nangyayari sa ibang nababakunahan, kahit para sa ibang mga sakit.

“Normal lang ito sa naturukan ng bakuna. Pero syempre babantayan pa rin natin,” wika ni Duque.