Nagtala ng panibagong tatlong kaso ng COVID-19 sa mga Filipino na nasa ibang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) umaabot na sa 15,970 ang kabuuang bilang ng mga nadapuan ng virus.

Sa nasabing bilang, 5,232 na ang kasalukuyang ginagamot habang mayroong 9,691 ang gumaling.

Wala namang naitalang bagong nasawi mula sa dating 1,047.

Nananatili pa ring mataas ang bilang na naitala sa Middle East at Africa na mayroong 8,882 na sinusundan ng Europe.