Daniel Craig james bond
Daniel Craig

Inilabas na ang trailer ng bagong James Bond movie ni Daniel Craig na “No Time To Die”.

Makakasama niya dito sa Rami Malek bilang kontrabida sa pelikula.

Ilan sa mga kasama rin sa pelikula ay sina Ralph Fiennes, Naomie Harris, Rory Kinnear, Lea Seydoux, Ben Whishaw at Jeffrey Wright.

Ipapalabas ang nasabing pelikula sa darating na Abril 8, 2020.

Itinuturing na ito na rin ang huling pagganap ni Craig bilang James Bond.

Maraming mga Bond fans naman ang natuwa at nagpahayag ng kasabikan na mapanoond ang nasabing pelikula.