Inaasahang bibigat pa lalo ang lagay ng trapiko sa Metro Manila sa darating na weekend ayon sa DOT.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Metro Manila Subway Project.
Ayon sa Department of Transportation , asahan na ng mga motorista ang mabagal na daloy ng trapiko.
Partikular na sa pagitan ng alas 10:00pm hanggang alas 4:00 am mula February 2 ,3,4 hanggang 5.
Paliwanag ng ahensya, dadalhin kasi sa Julia Vargas Avenue ang Tunnel Boring Machine para sa itinatayong Metro Manila Subway Project
Ang nasabing makina ay gagamitin naman sa construction ng tunnels na dudugtong sa subway sa Ortigas Avenue Station, Shaw Boulevard Station, at Kalayaan Avenue Station.
Narito ang mga kalsadang maaapektuhan ay ang mga sumusunod:
5th Avenue (between 11 P.M. – 12 M.N.)
Araneta Avenue (between 1 A.M. – 2 A.M.)
Ortigas Avenue – C5 Road (between 2:30 A.M. – 3:30 A.M.)
Doña Julia Vargas Avenue (between 3:30 A.M. – 4:00 A.M.)
Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Samantala, pinapayuhan naman ng ahensya ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta sa mga nabanggit na araw.